Covid-19 deaths sa buong mundo, malapit nang pumalo sa 650k

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang kabuuang bilang ng mga nasasawi sa buong mundo dahil sa Covid-19 ay malapit nang pumalo sa 650,000, batay sa running tally ng Johns Hopkins University sa Estados Unidos noong Hulyo 27.

Ayon sa datos, nasa 648,966 na ang death toll, habang ang kabuuang bilang ng mga kaso ay nasa 16,264,048. 9,407,977 na mga pasyente naman ang gumaling.

Ang Brazil ang bansang may pinakamataas na bilang ng recoveries na nasa mahigit 1.81 milyon. Sinundan naman ito ng US sa 1.3 milyon.

Bagama’t US pa rin ang bansang pinakamalubhang tinamaan ng pandemiya, na tanging bansang umabot sa mahigit 4 milyong mga kaso at may 147,000 deaths, pumalo naman sa mahigit 2.4 milyon ang bilang ng mga kaso sa Brazil na siyang bagong sentro ng pandemiya. Nakapagtala naman ito ng 87,004 fatalities.

Ang US at Brazil ay sinundan ng United Kingdom na may 45,837 na mga nasawi, at Mexico na may 43,680 na mga namatay.

Samantala, nasa 35,107 naman ang binawian ng buhay sa Italy, na sinundan ng India sa 32,771.

Sa China, na siyang ground zero ng pandemiya, umabot na sa 86,570 ang bilang ng mga kaso na may 80,459 recoveries at 4,652 deaths. Ang halos walang pagbabago sa datos ng bansa ay kinukwestyon ng mga nasa loob at labas ng China.

Sa kabuuan, lumaganap ang coronavirus sa 188 na mga bansa simula noong una itong madiskubre sa China noong Disyembre 2019.

Bagama’t dumarami ang mga kaso, karamihan ng mga pasyente ay nagkakaroon ng katamtamang sintomas bago gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING