SONA 2020: ALAMIN ang mga panukalang nais isabatas ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng ilang reporma sa nalalabing dalawang taon niya sa puwesto, at kinakailangan niya ang tulong ng Kongreso para isakatuparan ang mga ito.

Ang malaking bahagi ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27 ay inilaan sa pagbanggit ng mga panukalang batas na nais niyang ipasa.

Ilan lamang sa mga panukalang ito ay:

  • Bayanihan to Recover As One Act, na maglalaan ng pondo para sa Covid-19 response
  • Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act, na layong bawasan ang corporate mula 30 percent pababa sa 25 percent
  • Financial Institutions Strategic Transfer o FIST Act, na layong pahintulutan ang mga bangko at financial firms na ibenta o ilipat ang mga alanganing loans para makapagbukas muli ng bagong credit lines
  • Panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga lalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
  • National Housing Development bill at Rental Housing Subsidy para matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng bahay
  • Pag-amyenda sa Republic Act No. 10912 o ang Continuing Professional Development Act of 2016 upang alisin ang requirement na umattend ng seminars lalo na sa pandemiya
  • Advanced Nursing Education Act
  • Pagsasabatas ng Medical Reserve Corps
  • Pagsasabatas ng isang unified system ng separation, retirement at pension ng military at uniformed personnel, na layong ayusin ang mahal na pension system para sa retirees mula sa serbisyo
  • Modernisasyon ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Immigration
  • National Land Use Act
  • Paggawa ng Coconut Farmers Trust Fund that na layong gamitin ang coco levy fund na kinolekta sa panunugkulan ng diktador na si Ferdinand Marcos
  • Rural Agricultural at Fisheries Development Financing System Act

Itinutulak din ni Duterte ang paglikha ng mga panibagong ahensya ng pamahalaan. Ang mga ito ay:

  • Department of Overseas Filipinos para tugunan ang mga problema at hinanaing ng mga OFWs
  • National Disease Prevention and Management Authority para sa mas maayos na pagresponde sa mga krisis pangkalusugan
  • Department of Disaster Resilience para pangasiwaan ang pagtatayo ng evacuation centers sa bawat lungsod, lalawigan, at munisipalidad
  • Boracay Island Development Authority para pangasiwaan at pamahalaan ang Boracay

LATEST

LATEST