SONA 2020: PRRD, tutuparin ang responsibilidad na ipaglaban ang karapatang pantao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi iiwas ang adminsitrasyon sa responsibilidad nitong ipaglaban ang karapatang pantao para sa lahat.

Aniya, “My administration has always believed that freedom from illegal drugs, terrorism, corruption, and criminality is itself a human right (Naniniwala ang aking administrasyon na ang kalayaan mula sa iligal na droga, terorismo, kurapsyon, at kriminalidad ay maituturing na karapatang pantao)”.

Ilang beses na binatikos ang pangulo dahil sa kanyang mga pahayag tungkol sa mga international reports na nagsasabing pinapairal ng pamahalaan ang kamay na bakal hinggil sa pagtugon sa iligal na droga.

Noong Hunyo, sinabi ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet sa isang ulat sa Human Rights Council na namamayagpag ang extrajudicial killings at iba pang pag-abuso sa bansa, na nagresulta mula sa anti-drug policies ng pamahalaan.

The campaign against illegal drugs is being carried out without due regard for the rule of law, due process, and the human rights of people who may be using or selling drugs (Ang kampanya kontra iligal na droga ay iniimplementa nang labag sa batas, due process, at karapatang pantao ng mga taong gumagamit at nagbebenta ng droga),” ani Bachelet.

Ang ulat ni Bachelet ay kasunod ng ipinasang resolusyon ng UN noong 2019 na nagpatawag ng imbestigasyon tungkol sa malawakang pagpatay at iba pang mga pag-abuso sa bansa.

Gayunpaman, pinanatili ni Duterte ang kanyang posisyon at iginiit na gagawin niya kahit ano para wakasan ang talamak na iligal na droga sa bansa.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga pamilya at kung bakit gumagawa ng krimen ang mga tao.

Sa kanyang SONA, binanggit din ni Duterte na nagpatupad ng mga hakbang ang pamahalaan para protektahan ang mga bata laban sa eksploytasyon at pang-aabuso sa pamamagitan ng paglagda ng Executive Order No. 92 na lumikha sa National Council Against Child Labor.

Government efforts to protect the rights of children will be amplified to prevent, reduce, and eliminate any form of child labor (Papaigtingin ng pamahalaan ang mga hakbang para iwasan, mabawasan, at wakasan ang anumang uri ng child labor),” pahayag ni Duterte.

LATEST

LATEST