SONA 2020, magtatakda ng ‘new normal’ sa tradisyong pulitikal dahil sa Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ang paglalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ay tinitignan bilang “new normal” sa pulitikal na tradisyon ng bansa dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Nagpasya si Duterte na pisikal na dumalo sa Batasang Pambansa para ilahad ang SONA, desisyong nag-udyok sa kanyang security staff na gumawa ng “360-degree shield” sa pagpasok ng pangulo sa Kamara, kung saan mahigit 20 ang tinamaan ng nakamamatay na sakit.

Ang ikalimang SONA ng pangulo ay makasaysayan sapagkat ilalahad lamang niya ito sa harap ng 50 na piling mga opisyal na ni-require na magsuot ng face mask at magpanatili ng distansya sa bawat isa.

Ang mga panauhin namang hindi makadadalo nang pisikal ay makikinig na lamang sa mga birtuwal na platforms.

Para naman sa mga Pilipino, inaasahang marami ang mananatili sa kani-kanilang mga tahanan habang patuloy ang pag-akyat ng Covid-19 cases na halos 2,000 na ang binawian ng buhay bagama’t isa ang Pilipinas sa mga sumailalim sa pinakamahabang lockdown sa buong mundo.

Gayunpaman, inaasahan namang maglalahad si Duterte ng “hopeful report” sa taumbayan.

The SONA will be one that is full of optimism and hope (Ang SONA ay puno ng positibong pananaw at pag-asa,”giit ni Communications Secretary Martin Andanar.

Dagdag pa niya, “We have programs that the government implemented for the past few months to address the huge problem of the pandemic. It’s not perfect, but the whole world is grappling with the problem of this pandemic (May mga programang ipinatupad ang pamahalaan para tugunan ang pandemiya sa nakalipas na mga buwan. Hindi ito perpekto, subalit ang buong mundo ay nahaharap sa parehong problema buhat ng pandemiyang ito)”.

Bagama’t tila naging “fashion show” ang mga nagdaang mga SONA, taliwas naman ang inaasahan ngayon dahil sa epekto ng Covid-19.

50 na mga panauhin lamang mula sa Kongreso at executive branch ang pisikal na dadalo sa Batasang Pambansa, ang venue ng SONA. Ang mga ito ay kinailangang sumailalim sa swab testing bago pahintulutang makadalo sa SONA.

Ayon nama kay Presidential Security Group commander Col. Jesus Durante, magiging mahigpit din ang seguridad ng pangulo para tiyakin ang “360-degree shield” para sa kanya upang maiwasan ang banta ng coronavirus.

All our security preparations work towards the end goal of a peaceful, successful, and a COVID-free SONA 2020 of the President (Lahat ng aming preparasyon ay para matiyak ang ligtas, matagumpay, at Covid-free SONA 2020 ng pangulo),” pahayag ni Durante.

LATEST

LATEST

TRENDING