SONA 2020: Duterte, binanatan si Drilon sa pagtatanggol umano nito sa pamilya Lopez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 27 si Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil sa pagtatanggol umano nito sa pamilya Lopez na nagmamay-ari sa ABS-CBN, matapos ang pagpapasara ng network.

Tinawag ni Duterte si Drilon bilang isa sa mga nagsasamantala sa “okupadong pamahalaan” ngayong Covid-19 pandemic.

While government focuses its attention on the coronavirus, there are those who take advantage of the preoccupied government (Habang nakatuon ang atensyon ng pamahalaan sa coronavirus, may mga nagsasamantala sa pagiging okupado ng pamahalaan),” ani Duterte sa unang bahagi ng kanyang talumpati.

Dagdag pa niya, “One of them is Senator Frank Drilon. In an interview, he arrogantly mentioned among others that oligarchs need not be rich. Then he linked the anti-dynasty system with oligarchy, and the topic was my daughter and son… Obviously, he was defending the Lopezes, that they are not oligarchs (Isa sa mga ito si Senador Frank Drilon. Sinabi niya sa isang panayam na hindi kailangang maging mayaman ang mga oligarko. Tapos iniugnay niya ang anti-dynasty system sa oligarkiya, at ginawang paksa ang aking mga anak. Klarong dinidepensahan niya ang mga Lopez at iginiit na hindi sila mga oligarko)”.

Ayon kay Duterte, naging  “casualty” siya ng mga Lopez simula 2016 noong tumakdo siya sa pagkapangulo.

Sa kanyang mga naunang talumpati, paulit-ulit ang birada ng pangulo sa ABS-CBN na nag-ugat sa hindi pag-ere ng network sa kanyang mga campaign advertisements noong 2016 elections.

Tinanggap naman ni Duterte kinalaunan ang paghingi ng kapatawaran ng network.

Nagtigil-operasyon ang ABS-CBN noong Mayo matapos magwakas ang prangkisa nito. Bagama’t tinanggihan ng Kamara na bigyan ng panibagong prangkisa, patuloy na naghahatid ng balita ang network sa limitadong platforms na mayroon ito.

LATEST

LATEST

TRENDING