Ilang grupo, ipinanawagan ang pagpapahinto sa PUV modernization

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Abante

Bago idaos ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan ang ilang commuter, transportation, at labor groups sa pangulo na ihinto ang implementasyon ng the public utility vehicle (PUV) modernization program, habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic.

Sa isang pahayag na nilagdaan ng 25 na grupo at unyon, mariin nitong hinikayat ang pangulo na sa halip na itulak ang PUV modernization program, magpatupad na lang ng komprehensibong plano kasama ang mga stakeholders.

We challenge the government to take the responsible route of modernizing transportation. We call on them to return jeepneys and buses to their previous routes with the necessary support to ensure health standards, and to protect the rights and tenure of transportation workers and commuters (Hinihikayat namin ang pamahalaan na tahakin ang responsableng ruta sa modernisasyon ng transportasyon. Nananawagan kaming ibalik ang jeepneys at buses sa kanilang dating mga ruta nang may karampatang suporta para matiyak ang kanilang kalusugan at maprotektahan ang kanilang mga karapatan at tenure),” ani Ed Laurentio ng National Land Transport Union.

Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang “gradual and calibrated” approach sa pagbabalik ng pampublikong transportasyon nang ipasailalim ang Kamaynilaan sa mas magaang general community quarantine (GCQ).

Sa ilalim ng hakbang na ito, ang mga tradisyunal na jeepney ay hindi nagbigyan ng prayoridad at nabawasan pa ang bilang ng ruta at units na maaaring magbalik-pasada. Mariin itong tinututulan ng mga transport groups na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang  jeepney drivers  na umano’y lumabag sa physical distancing at mass gathering protocols.

Iginigiit ng mga grupo na maganda ang modenisasyon subalit hindi ito dapat gawin nang isinasakripisyo ang kabuhayan ng mga nasa sektor.

We can only achieve a sustainable and efficient transport sector through a just transition – one which includes all stakeholders in every step of the process, from the decision-making in modernization plans to the reaping of benefits (Magkakaroon lang tayo ng pangmatagalan at episyenteng transport sector sa isang transisyon – kung saan kasama ang mga stakeholders sa bawat hakbang ng proseso – mula sa paggawa ng plano at pagtamasa ng mga benepisyo),” ani Alex Yague of the Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP)

Ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pampublikong transportasyon noong Marso dahil nakikita itong instrumento ng pagpapalaganap ng coronavirus. Kahit na pinahintulutan na ang sektor na magbalik-operasyon, limitado naman ang kapasidad ng mga operators sa 50 porsyento lamang.

Sa ngayon, pinahintulutan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbalik-pasada ang 6,002 mula sa 55,000 jeepney drivers sa mga kalye ng Metro Manila, habang iniimplementa ang modernization at route rationalization programs.

LATEST

LATEST

TRENDING