Duterte, dapat maging ‘healing president’ ngayong Covid-19 pandemic – analyst

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Kinakailangang magpokus ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang administrasyon sa pagliligtas ng buhay at paglikha ng mga trabaho dahil kailangan umano ng mga Pilipino ng “healing” at “calming voice” ngayong Covid-19 pandemic, giit ng isang political science professor noong Hulyo 27.

Ayon kay Professor Julio Teehankee, dapat maging “unifying president” si Duterte at isantabi mula ang mga personal na damdamin laban sa kanyang oposisyon at maging “healing president” habang patuloy ang pag-akyat ng Covid-19 cases sa bansa.

Aniya, “This is no time for jokes, enough of the political inanities. If this administration is serious about leaving a positive legacy for the Filipino people, it should devote all its energy and attention to simply 2 things: saving lives and expanding livelihood (Itigil na ang biruan. Kung seryoso ang administrasyon sa pag-iiwan ng pasadong marka sa taumbayan, dapat nitong ibaling ang atensyon sa dalawang bagay: pagligtas ng buhay at paglikha ng trabaho). In Filipino, buhay at kabuhayan. Anything other than that would be simply distraction to the task at hand (Anumang wala dito ay sagabal lamang)”.

Dagdag pa ni Teehankee, “What we need now is healing, what we need now is a calming voice. We do not need fear, stress, bullying…There’s still time if he sets his vision, plans, program for the Filipino people (Kailangan nating ng paghihilom at boses na magpapakalma. Hindi natin kailangan ng pananakot, stress, bullying… May oras pa kung ilalatag niya ang kanyang plano para sa mga Pilipino). Kung matutuunan ng pansin ng ating Pangulo itong 2 problemang ito, mapapatawad siya ng sambayanang Pilipino”.

May kakulangan aniya ang ipinamalas na liderato ng administrasyon sa pagtugon sa krisis.

Especially while the public and private healthworkers have done a tremendous job addressing the pandemic as frontliners, the leadership for example of the DOH has really messed up the entire situation because of its hardheaded position not to do mass testing (Lalong lalo na habang patuloy na tinutuganan ng mga frontliners ang laban kontra pandemiya, ang pangunguna naman ng DOH ay naging palpak dahil sa pagtanggi nitong magsagawa ng mass testing)” ani Teehankee.

Itinuring din umano ng pamahalaan ang krisis bilang digmaan sa halip na public health crisis.

Instead of (Sa halip na) epidemiologists, virologists, scientists, we mobilized our soldiers and policemen in treating this virus (ipinadala ang pulis at sundalo para labanan ang virus). The people are not the enemy. It’s the virus. We keep saying that over and over but if you have a militaristic approach it’s not healthy even for the state of our democracy (Hindi tao ang kalaban kundi virus. Kung militaristic approach, hindi ito makabubuti para sa estado ng demokrasya),” paliwanag ng propesor.

LATEST

LATEST