8 LSIs sa Rizal Memorial Stadium, nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Miguel de Guzman (The Philippine STAR)

Walong indibidwal na lumahok sa “Hatid Tulong” program ang nagpositibo sa Covid-19 nang sumailalim ang mga ito sa rapid testing, ayon sa isang opisyal noong Hulyo 27.

Ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, ang walong nabanggit ay naka-isolate na at sasailalim sa confirmatory swab test.

Si Encabo, na lead convenor ng “Hatid Tulong” program, ay nagsabing ang Department of Health Department (DOH) ay nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuhang tao ng mga pasyenteng pansamantalang tumuloy sa Rizal Memorial Sports Complex.

Libu-libong locally-stranded individuals (LSIs), na karamihan ay mula Visayas at Mindanao, ay nagtipon-tipon sa loob ng stadium para lumahok sa programang “Hatid Tulong” ng pamahalaan.

Sa loob ng stadium, hindi naobserbahan ang pagsususot ng face masks at physical distancing habang naghihintay na makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Umani rin ng batikos ang nag-viral na video ng mga pulis na inorganisa bilang orchestra sa loob ng stadium, na gumagamit ng wind instruments para tumugtog sa mga LSIs.

Nangamba naman si Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa pangyayari at sinabing hindi inorganisa nang maayos ng pamahalaan ang pagpapatuloy sa mga LSIs.

LATEST

LATEST