PNP, nagbabalang aarestuhin ang mga raliyista sa SONA ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Aarestuhin ng mga pulis ang mga magsasagawa ng protesta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27.

Inanunsyo ito ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac at iginiit na strikto nilang ipatutupad ang no permit, no rally policy.

Ayon kay Banac, oobserbahan ng mga pulis ang maximum tolerance at hihikayatin ang mga raliyista na itigal ang kanilang mga aktibidad.

Subalit, nagbabala ito na hindi mag-aatubili ang mga awtoridad na gamitan ng lakas at arestuhin ang mga raliyista kung magpupumilit ang mga ito na magprotesta.

Inutusan din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na huwag mag isyu ng rally permits alinsunod sa health protocols dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic. Kabilang dito ang pagbabawal sa mga malawakang pagtitipon.

Dahil dito, pinagbawalan ang mga grupong kritikal sa administrasyon na magdaos ng rally sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon naman kay Renato Reyes, secretary general ng  Bagong Alyansang Makabayan, itutuloy nila ang kilos-protesta subalit gaganapin na lamang ito sa University of the Philippines Diliman campus.

There’s already coordination with the UP Diliman administration and does not need a permit from the LGU (May koordinasyon na sa UP Diliman administration at hindi ito mangangailangan ng permit mula sa LGU),”ani Reyes.

Taliwas sa nakagawiang programa na nagtatagal hanggang sa dulo ng SONA, binanggit ni Reyes na gaganapin lamang ang protesta mula 10 A.M. hanggang tanghali bilang pag-iingat laban sa Covid-19. Iginiit din niyang oobserbahan ng mga dadalo ang health at safety protocols.

Samantala, magdedeploy naman ang PNP ng 5,600 personnel para sa SONA. Kabilang dito ang 59 personnel mula sa Highway Patrol Group na magpapatrolya sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sinabihan naman ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang PNP na huwag arestuhin ang mga magsasagawa ng rally sapagkat labag umano ito sa karapatang makapagtipon, at may karampatang kriminal, sibil, at administrative na layabilidad laban ito sa mga awtoridad.

So, before the PNP even considers dispersing, arresting or in any way interfering with rallies on July 27, they should bear in mind that, in doing so, they would themselves be violating the clear letter of the law (The Public Assembly Act) (Bago ikonsidera ng PNP ang pag-disperse o pag-aresto o kahit anong panghihimasok sa rally sa Hulyo 27, dapat nilang tandaan na pag ginawa nila ito, lalabagin nila ang batas),” pahayag ng NUPL.  

Ayon naman sa DILG, ipinatutupad lamang nila ang mga pamantayang itinakda ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagbabawal ng mga mass gatherings habang nasa kasagsagan ng pandemiya.

Gayunpaman, mariin ang tindig ng NUPL na hindi kayang saklawan ng DILG advisory o ng panuntunan ng IATF ang Public Assembly Act, na protektado sa ilalim ng Konstitusyon.

LATEST

LATEST

TRENDING