Mga LSIs sa Rizal Memorial Stadium, dikit-dikit at walang physical distancing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: James Roy Dusaban

Dismayado at nangangamba si ni James Roy Dusaban tungkol sa kalagayan niya at ng iba pang mga stranded na pansamantalang pinatuloy sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila noong Hulyo 24 habang hinihintay ang biyahe pauwi sa kanya-kanyang mga lalawigan.

Ang kanyang biyahe pauwi ng Dumangas, Iloilo ay nakansela kaya’t nakatengga siya ngayon sa Maynila.

Aniya, “July 24 po talaga ‘yung biyahe namin. Pero sinabihan na utos daw ng National Task Force na hindi kami papasukin. Unang-una po, nagpalabas na po si [Iloilo] Gov. [Arthur] Defensor [Jr.] ng [executive order] na nagpapayag sa pagtanggap sa mga LSI (locally stranded individual) at OFW (overseas Filipino worker) sa probinsya. Tinawagan na rin namin ang iba’t ibang concerned staff para dito, at sinabing open ‘yung Iloilo to accept LSI. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari”.

“Kasi po kung pinatuloy na ang biyahe, eh ‘di sana hindi na nagkaganito. Negative na ‘yung result namin sa swab test namin, baka dito pa namin makuha [‘yung sakit], ‘wag naman sana,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Dusaban na inanunsyo sa kanila na pauuwiin ang lahat ng mga tumutuloy sa stadium at uunahin ang mga pa-Mindanao sa Hulyo 25.

Sa Hulyo 26 naman ang nakatakdang pagbiyahe ng mga taga-Region 6 (Western Visayas) subalit kinakailangan muna nilang sumailalim sa rapid test.

Ang mga lugar na kumpirmadong nagsara ng borders para sa mga LSIs ay ang mga lungsod ng Iloilo at Bacolod.

Wika ni Dusaban, “Nanghihinayang, nagtataka, poot ang nadama namin kung bakit nakansela [‘yung biyahe] kung open naman ‘yung borders ng Region 6. Tapos po, we have undergone swab test with a negative result. Ang problema nito sir kung hindi makayanan ng katawan namin at magpopositibo para sa rapid test na gaganapin dito o ‘di kaya’y baka dito pa kami magkakasakit”.

Sa kuhang larawan at video ni Dusaban, makikitang dikit-dikit at walang physical distancing ang mga LSIs na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Hulyo 24 daw ng hapon sila dumating subalit hanggang sa susunod na araw ay marami pa rin ang mga dumadagsang LSIs.

LATEST