Manila RTC, tinanggihan ang apela ng Rappler sa kasong cyber libel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Rappler CEO Maria Ressa at dating Rappler reporter Reynaldo Santos Jr.
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Tinanggihan ng isang korte sa Lungsod ng Maynila noong Hulyo 24 ang motion for partial reconsideration na inihain ni Rappler CEO Maria Ressa at dating mananaliksik na si Reynaldo Santos Jr. para ibasura ang hatol na guilty sa kinasangkutang cyber libel case. 

Sa 13-pahinang kautusan, ibinasura ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ang apela ng dalawa at sinabing wala umanong bagong argumentong inihain ang mga ito tungkol sa republication; ang layabilidad at non-presentation ni Ressa at Santos; at ang danyos na ibabayad sa nagsampa ng kaso na si Wilfredo Keng.

Ginamit ni Montesa ang kapasyahan ng Korte Suprema na nag-uutos sa mas mahabang prescriptive period —para magsampa ng kaso— 15 na taon sa halip na 12 na taon para sa cyber-libel.

Ayon sa hukom, hindi niya magagamit ang isang taong prescriptive period sa ilalim ng Revised Penal Code na idinidiin ni Ressa at Santos.

After a careful evaluation of the arguments of the parties, as well as the records of this case, the Court finds that Motion for Partial Reconsideration should be DENIED for lack of merit. This court finds that there is no cogent or compelling reason to reconsider its Decision dated June 15, 2020 (Matapos ang mabusising pagsusuri sa mga argumento ng magkabilang partido, pati na ang mga records ng kaso, napag-alaman ng Korte na ang Mortion for Partial Reconsideration ay dapat TANGGIHAN dahil sa kawalan ng basehan. Wala nang rason para irekonsidera ang desisyong inihain noong Hunyo 15, 2020),” pahayag ng kautusan.

Puwede namang dumulog sina Ressa at Santos sa Court of Appeals para i-review ang naging hatol sa kinasangkutang cyber libel case.

LATEST

LATEST

TRENDING