Physician licensure examinations, itutuloy ngayong taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: DOH

Pinahintulutan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipagpatuloy ang pagdaraos ng physician licensure examinations ngayong taon, ayon sa Malacañang noong Hulyo 24, habang mas maraming health workers ang kinakailangan ng bansa sa laban kontra Covid-19.

Ang mga pagsusulit, na itinakda sa Setyembre 20 at 21, ay magsisilbing ikalawang bahagi ng nakanselang exams noong Marso, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

The conduct of the examination will be held under observance of the strict protocols set by the Department of Health (Ang pagdaraos ng pagsusulit ay alinsunod sa striktong protocols na itinakda ng Department of Health),” ani Roque.

Ipinahinto ang mga pagsusulit noong Marso nang isinailalim ng pamahalaan ang buong Luzon sa lockdown. Noong Hunyo lamang pinagaan ng pamahalaan ang paghihigpit sa quarantine protocols ng bansa.

Samantala, tumaas naman ang demand sa bansa para sa mga health professionals, katulad ng mga doktor at nars, habang patuloy ang pag-akyat ng Covid-19 cases.

Ayon sa datos noong Hulyo 23, nasa 74, 390 na ang bilang ng kumpirmadong mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ang iba namang licensure exams na itinakda sa pagitan ng Hunyo at Agosto ay inilipat sa susunod na taon, batay sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC)

LATEST

LATEST