DSWD: Mga nabigyan ng ayuda sa ilalim ng SAP 2, nasa 30 porsyento pa lamang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Grig C. Montegrande (Inquirer)

Nasa 30 porsyento pa lamang o 3.7 milyong mga benepsisyaryo ang nabibigyan ng ayudang pinansyal sa ikalawang alon ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Mahigit P2 bilyon aniya ang halaga ng mga naibigay na ayuda.

Ayon kay DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao, “Inaamin po namin na may mga challenges po talaga tayo but ito po ang masasabi natin, the challenges we have experienced have not wavered our commitment na ipamahagi itong ayuda. Kasalukuyang nangyayari itong mga payout activities natin at we expect these numbers to increase in the coming days”.

Tuloy-tuloy naman umano ang pagbibigay ng nasabing ayuda dahil naproseso na aniya ang mga payroll at naibigay na ang mga ito financial service providers.

Gayunpaman, aminado si Dumlao na nahihirapan silang mamahagi ng ayuda sa mga liblib na lugar na walang payout centers. Ito ay kasabay sa pagtitiyak na ligtas sa Covid-19 ang mga kawani ng DSWD.

Sinisikap naman ng ahensya na tapusin ang pamamhagi sa digital payment ngayong Hulyo.

Sa Agosto 15 naman ang target para sa mga liblib na lugar. 

LATEST

LATEST

TRENDING