Asean+3, tinalakay ang mga plano sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Khánh Dương (VNS Photo)

Muling pinanindigan ng China, Japan at ng Republic of Korea (RoK) ang kanilang pagsuporta sa mga inisyatibo ng ASEAN sa pagsulong ng kooperasyon para labanan ang Covid-19 pandemic sa ginanap sa online meeting ng Asean+3 Senior Officials noong Hulyo 20.

Nangako ang RoK na magbibigay ito ng USD1 milyon sa pondo ng ASEAN para sa Covid-19 response.

Samantala, patuloy naman ang pagsuporta ng Japan sa ASEAN sa pamamagitan ng pagtatayo ng regional center for disease control and response. 

Pinanatili naman ng China ang pagsuporta sa mga bansa ng ASEAN sa pamamagitan ng mga programang magpapaigting sa preventive medicine capacity.

Ayon sa nanguna sa nasabing online meeting na si Nguyễn Quốc Dũng, Deputy Foreign Minister at head ng SOM Asean of Vietnam: “Today, Asean+3 has proven its value and relevance as we work together to respond to Covid-19 (Ngayon, napatunayan ng Asean+3 ang kahalagahan nito habang nagtutulungan tayo sa pagresponde sa Covid-19).”

Dagdag pa niya, “The challenges posed by Covid-19 requires us to double our efforts to sustain regional economic integration and activities in order to restore normal flow of trade and investment, resume disruption of regional supply chains, and keep our markets open (Inaanyayahan tayong mag doble-kayod buhat ng mga hamong ibinabato sa atin ng Covid-19 para mapanatili ang regional economic integration at iba pang mga aktibidad, na layong gawing normal ang daloy ng kalakalan at investment, mapanumbalik ang regional supply chains, at mapanatiling bukas ang mga merkado)”.

Nanawagan din si Dũng sa ASEAN, China, Japan, at RoK na mas paigtingin ang kooperasyon para maging epektibo ang pagkontrol sa pandemiya, pagaanin ang epekto nito, at isulong ang sustainable development.

Iminungkahi naman ng ASEAN leaders sa China, Japan, at RoK na mas palakasin pa ang koordinasyon sa research at paggawa ng bakuna kontra Covid-19, pati na rin ang iba pang mga hakbang ng rehiyon para tugunan ang pandemiya.

Nagbahagi rin si Dũng ng mga pananaw kung paano maisusulong ang Asean+3 sa hinaharap, sa pamamagitan ng pinalakas na regional connectivity; pagkilala sa mga achievements sa digital technology patungkol sa regional economic recovery; at pagpapabuti sa regional capacity para tugunan ang mga umuusbong na mga hamon.

Isinapubliko rin nito ang panukala ng Vietnam na mag-isyu ng declaration of leaders sa ginanap na 23rd Asean+3 Summit patungkol sa pagpapaigting ng economic financial resilience tuwing panahon ng krisis.

Nagkaisa naman ang mga bansa ng Asean+3 tungkol sa kahalagahan ng pagmimintena ng dayalogo at kooperasyon; pagkakaroon ng tiwala; pagsunod sa international law; at paggawa ng standards of conduct para sa relasyon ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng bawat isa.

Mariing nangako ang mga dumalo sa meeting na isusulong ng mga ito ang regional economic linkage at sisikapin ding makumpleto ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) nang naaayon sa itinakdang panahon.

LATEST

LATEST

TRENDING