‘Tumahimik ka’: DFA Sec. Locsin, binanatan si Sen. Pangilinan sa pamumuna nito sa DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Inquirer

Binanatan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin Jr. si Senador Kiko Pangilinan dahil sa mga paratang ng senador na mas pinapaboran aniya ng pamahalaan ang paggamit ng imported na Covid-19 tests kits sa halip na tangkilikin ang mga gawa sa bansa.

What’s wrong with you. Shut up if you have nothing intelligent to say. I am not gonna let our people die in the name of Filipino first (Anong bang problema mo. Tumahimik ka kung walang saysay ang sasabihin mo. Hindi ko hahayaang mamatay ang mga tao sa ngalan ng Filipino first),” ani Locsin sa kanyang tweet noong Hulyo 21.

Pinuna ni Pangilinan ang Department of Health (DOH) kung bakit hindi nito binibigyang prayoridad ang mass production ng locally-made Manila Healthtek Inc. GenAmplify™ COVID-19 RT-PCR Detection Kit, na mas mura sa halagang ₱1,230.

Ayon sa senador, ang mga ginagamit na test kits ng gobyerno mula China at South Korea ay nagkakahalaga ng ₱4,000 hanggang ₱8,000.

As concerned as we are for the health of the Filipinos, we are also keenly looking after the well-being of our state coffers. Every peso of meaningful, honest, and transparent spending and saving will go a long way, especially amid an economic crisis (Sa pagtugon natin sa kalusugan ng mga Pilipino, dapat isaalang-alang din natin ang badyet ng gobyerno. Malayo ang mararating sa pagiging matipid, lalo na’t nasa krisis),” pahayag ni Pangilinan.

Samantala, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) noong Hulyo 19 ang commercial use ng kauna-unahang Filipino-made Covid-19 test kits na ginawa ng mga siyentipiko mula University of the Philippines (UP).

Binigyang diin naman ng DOH na dapat sumailalim sa proficiency examination ang mga laboratory technicians at accredited Covid-19 testing centers bago gamitin ang test kits ng UP.

LATEST

LATEST

TRENDING