Remulla: Unahin ang problema sa Covid-19 bago ang Cha-cha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Cavite Governor Jonvic Remulla

Hinikayat ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga kapwa kawani ng pamahalaan noong Hulyo 23 na “unahing pagsilbihan ang taumbayan bago ang sarili” sa pamamagitan ng pagpokus sa pagtugon sa Covid-19 pandemic, sa halip na idiin ang charter changer.

Ayon sa gobernardor, dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan ang “testing, contact tracing at isolation” para mapigilan ang paglaganap ng Covid019, at makapagkaisa ang mga tao tungo sa pagbangon.

Aniya, “Dapat, wala tayong ibang unahin na kung ano ano. Pagtuunan sana natin ng singular na atensyon ang paglaban at pagsugpo sa pandemya at lahat ng problema na dulot nito”.

“Tsaka na yang Charter Change (ChaCha) or the proposed Amendments to the Constitution. Unahin ang importante. Let us serve the people first before we serve ourselves (Paglingkuran muna ang taumbayan bago ang sarili),” dagdag pa ng gobernador.

Isa ang lalawigan ng Cavite sa pinakamataong probinsiya sa rehiyon ng Calabarzon na may populasyong 3.7 milyon ayon sa 2015 data mula sa Philippine Statistics Authority.

Nauna namang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 1,488 na mga alkalde ang nagpahayag ng pagsuporta para sa dalawang reporma sa Saligang Batas. Ito ay:

– pag-alis sa foreign restrictions sa mga industriyang limitado lamang sa mga Pilipino;
– pagkalap ng mga lokal na pamahalaan ng pondo mula sa national taxes at hindi lamang mula sa kani-kanilang internal revenue allotments (IRA)

Nothing in the proposal… seeks to do away with the 2022 elections (Wala sa panukala… ang nagpaplanong alisin ang 2022 elections),” paglilinaw naman ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na siya ring administrator ng Federalism and Constitutional Reform program.

LATEST

LATEST

TRENDING