Mga ‘tsismosa’, puwede umanong makatulong sa contact tracing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Posible umanong maging mahalaga ang papel ng mga tsismosa sa komunidad sa isinasagawang contact tracing ng pamahalaan bilang pagtugon sa Covid-19 pandemic.

Nais ni Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, direktor ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), na kunin ang tulong ng mga tsismosa para tugunan ang isinasakatuparang contact tracing ng rehiyon.

Umapela sa Ferro sa publiko na makiisa sa contact tracing dahil hindi lamang aniya ito responsibilidad ng mga awtoridad, bagkus ay responsibilidad ito ng lahat ng miyembro ng komunidad para makatulong sa laban kontra Covid-19.

Pangunahing bahagi ang contact tracing sa Covid-19 T3 strategy ng pamahalaan na ang ibig sabihin ay “Test, Trace and Treat”.

This health emergency crisis in not only the job or responsibility of the police, the military or the local government. This is a responsibility of every (Hindi lamang responsibilidad ng pulis, militar, o LGU ang kasalukuyang krisis pangkalusugan. Ito ay responsibilidad ng bawat) Sugboanon, Boholano, Ilonggo, Ilocano, Bisaya and all Filipino citizens,” ani Ferro.

Dagdag pa niya, “I heard last night, what do we call this, the ‘tsismoso’ brigade. They could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we (can) ask you to help us sa atong contact tracing… instead na paglibak, naa silay maayong matabang (Narinig ko kagabi ang ‘tsismoso’ brigade. Puwede silang maging magandang source, sa Bulacan yata. Kinuha nila ang tulong mga tsismosa sa contact tracing… sa halip na manlibak, mayroon silang magandang maitutulong)”.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkatataon na ginamit ang tulong ng mga tsismosa sa paglaban sa Covid-19 pandemic.

Naibalta sa National Geographic ang kuwento ng isang community doctor sa Nueva Vizcaya na napanatiling Covid-free ang kanyang bayan sa pamamagitan ng contact tracing, quarantine, tsismis.

Ayon sa artikulong sinulat noong Hulyo 9, napanatiling Covid-free ang bayan ng Bambang na may 56,000 katao sa pangunguna ni Dr. Anthony Cortez, sa pamamagitan ng tsismis sa pag-monitor ng mga dumarating na residente.

“Village chiefs asked people known to keep an eye on the neighbors, usually elderly women, to keep tabs on new arrivals to the village. The chief then reports the news to the doctor, who sends nurses to follow up (Humingi ng tulong ang mga barangay officials sa mga tao na bantayan ang kani-kanilang mga kapitbahay, lalo na sa mga matatandang babae, na bantayan ang mga bagong dating. Ibinabalita naman ito ng punong barangay sa doktor upang magpadala ng mga nars),” paliwanag ng National Geographic.

LATEST

LATEST

TRENDING