Malacañang: Duque, hindi sangkalan ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Hindi umano ginagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sangkalan si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga umano’y pagkukulang ng pamahalaan sa pagresponde nito sa Covid-19 pandemic, ayon sa Malacañang noong Hulyo 22.

Hindi sinang-ayunan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naunang pahayag ni Senador Leila de Lima na ang dahilan umano kung bakit hindi sinisibak sa puwesto si Duque ay dahil kailangan ng pangulo ng isang “whipping boy” sa patuloy na laban ng bansa kontra Covid-19.

I read the same papers and I watch the same news as Senator Leila de Lima, I can tell you the President has not been treating Secretary Duque as a whipping boy (Parehong dyaryo ang binasa ko at parehong balita ang pinanood ko tulad ng kay Senador Leila de Lima, masasabi kong hindi ‘whipping boy’ ng pangulo si Secretary Duque),” giit ni Roque.

Subalit, inamin ni Roque na marami ang nagtatanong sa kanya kung bakit hindi sinisisi ng pangulo ang kalihim sa mga pagkukulang ng DOH sa Covid-19 response.

“He’s’ (Duterte) always been supportive of Secretary Duque. He says mistakes have been made. For as long as his mistakes were done in good faith, it’s no reason for him to lose confidence (Laging suportado ng pangulo si Secretary Duque. May mga maling nagawa. Gayunpaman, walang rason ng pagkaawala ng kumpiyansa kung wala namang malisya ang ginawang kamalian),” paliwanag ng tagapagsalita ng pangulo.

Sa isinulat na note ni de Lima mula sa Philippine National Police Custodial Center kung saan siya naka-detain, sinabi ng senador na hinahayaan umano ng pangulo si Duque na maging “kapitan ng palubog na barko”.

My guess is the President just needs a whipping boy for the tragedy that they themselves have brought to our nation (Ang hula ko ay nangangailangan ng sangkalan ang pangulo sa delubyong idinulot nila sa bansa). Kaya siguro hindi niyo matanggal-tanggal para laging may masisisi ang taumbayan. Is that your strategy? Have we cracked the code (Iyan ba ang inyong estratehiya? Nabuking na ba kayo?)” giit ni de Lima.

Bagama’t naging malawakan ang panawagan para sa pagbibitiw ni Duque bilang kalihim ng DOH, nananatiling buo ang tiwala ni Pangulong Duterte sa itinalaga niyang Health Secretary.

LATEST

LATEST

TRENDING