Duterte, ibubunyag ang Covid-19 roadmap sa kanyang SONA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na gaganapin sa Hulyo 27, ipepresenta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang roadmap na makatutulong sa bansa na makabangon mula sa epekto ng Covid-19, ayon sa Malacañang.

He (Duterte) will be presenting now a roadmap for recovery which the economic team has not unveiled yet and I think the reason is they want to unveil it in the SONA itself and many fora after the SONA (Ilalabas ng pangulo ang isang roadmap para sa pagbangon na hindi pa inilalabas ng ecoonomic team dahil nais siguro nilang ilabas ito sa SONA at sa mga susunod pang mga fora),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hindi naman nagbigay ng mga karagdagang detalye si Roque ukol sa naturang Covid-19 recovery roadmap.

Bagama’t patuloy pa rin ang banta kontra Covid-19, nagpasya si Duterte na pisikal na ilahad ang kanyang SONA sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. Subalit, limitado lamang ang makadalo sa ikalima niyang para maibsan ang banta sa Covid-19.

Pinaigting din ng Presidential Security Group ang mga security protocols para tiyaking ligtas ang pangulo mula sa nakamamatay na sakit.

Samantala, binanggit naman ni Roque na detalyadong tatalakayin ng pangulo ang iba’t-ibang hakbang ng gobyerno kontra Covid-19 at ang planong pagbangon ng bansa mula sa krisis na dulot nito.

There is no other problem as big as [Covid-19] right now (Walang ibang mas malaking problema kaysa sa Covid-19 sa ngayon),” giit ni Roque.

Ayon sa datos noong Hulyo 21, umabot na sa 70,764 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa na may 23,281 recoveries at 1,837 deaths.

LATEST

LATEST

TRENDING