DOH sa payo ni Duterte na i-disinfect ang face mask gamit ang gasolina: “Baka biro lang”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Baka nagbibiro lamang aniya si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong maaari muling isuot ang face masks matapos i-disinfect gamit ang gasolina, ayon sa opisyal ng Department of Health (DOH).

“Dito naman sa sinabi ni President, he’s mentioning, really, the reusable na mga face mask katulad ng cloth mask. Alam niyo naman pag nagsasalita si Presidente, baka iyong mgajokes lang niya iyon, especially for gasoline,” ani DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Sa kanyang taped address, binanggit ng pangulo na maaaring muling gamitin ang face masks matapos itong patuyuin at i-disinfect gamit ang alcohol at disinfectant spray, o di kaya ay ibabad sa gasolina o diesel kung wala ang disinfectants.

“Kung wala kayo — if you want to disinfect, maghanap ka ng gasolina,” giit ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo sa seryosong tono, “Ibabad mo [sa] gasolina o diesel … ‘di uubra iyan diyan”.

Sinabi ito ng pangulo alinsunod sa kanyang payo sa publiko na panatilihin ang pagsusuot ng face masks para makaiwas sa Covid-19.

Para naman kay Vergeire, idiniin niyang dapat palaging hugasan matapos gamitin ang cloth masks sabay pagpaliwanag na hindi na maaaring gamiting muli ang nagamit na N95 masks at surgical masks. Bagkus, dapat umano itong itapon nang maayos para hindi makontamina matapos gamitin.

Aniya,“Kung paano i-treat ang maduming bagay at infectious waste, ganun din ang pag-treat at pag-handle sa masks”.

LATEST

LATEST

TRENDING