Dalawang Covid-19 vaccine candidates, nagdulot ng ‘immune response’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Dalawang Covid-19 vaccine candidates ang napatunayang ligtas para sa tao at nagresulta sa malakas na immune reactions sa mga pasyenteng kalahok sa dalawang hiwalay na clinical trials, ayon sa mga doktor noong Hulyo 21.

Ang unang trial na isinagawa sa mahigit 1,000 na adults sa Britain ay nagresulta sa “strong antibody and T cell immune responses” laban sa novel coronavirus. 

Ang isa namang trial sa China na kinabilangan ng mahigit 500 katao ay nagresulta rin sa malawak na antibody immune response. 

Ang mga pag-aaral, na inilathala sa The Lancet medical journal, ay isang malaking hakbang umano patungo sa pagkakaroon ng Covid-19 vaccine na epektibo at ligtas para sa mga tao.

Gayunpaman, sinabi ng mga awtor ng mga pag-aaral na may mga ilang side effects umano sa vaciine candidates.

Subalit, iginiit ng mga ito na mas marami pang pagsasaliksik ang kinakailangan, partikular na sa mga matatanda na “at risk” na masawi buhat ng Covid-19.

Ayon sa awtor na si Sarah Gilbert mula sa University of Oxford, ang mga resulta ay “nagdudulot ng magandang pangitain”.  

If our vaccine is effective, it is a promising option as these types of vaccine can be manufactured at large scale (Kung epektibo ang aming bakuna, magandang pangitain ito sapagkat puwedeng i-manufacture nang maramihan ang mga ganitong uri ng bakuna),” ani Gilbert.

LATEST

LATEST

TRENDING