Catriona Gray, humingi ng tulong sa NBI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Miss Universe 2018 Catriona Gray
Kuha ni: Krizjohn Rosales (Philstar)

Dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) si Miss Universe 2018 Catriona Gray noong Hulyo 21 para maghain ng reklamo sa nag-upload ng kanyang pekeng mga larawan sa social media.

Kasama ang kanyang abogado na si Christopher Allan Liquigan, nagtungo ang beauty queen sa opisina ni NBI Deputy Director Vicente de Guzman Jr. bandang 12:30 P.M.

Matapos makipag-usap kay De Guzman, pumirma ng complaint affidavit si Gray na tinanggap ni cybercrime division chief Vic Lorenzo.

Ayon kay Liquigan, humingi sila ng tulong sa NBI para matukoy ang taong nag-upload ng pekeng larawan na layong sirain ang reputasyon ni Gray.

It has come to our attention that alleged photos and other posts of Catriona Gray circulated online. These have been spread by people on social media accounts (Napag-alaman naming naglipana online ang mga larawan ni Catriona Gray. Ipinakalat ito ng mga tao sa kanilang social media accounts),” ani Liquigan.

Dagdag pa, “We want to inform the public that these photos are fake (Nais naming ipaalam sa publiko na peke ang mga larawang ito).”

Ayon sa abogado, makikipag-ugnayan sila sa NBI para mapanagot ang salarin.

Dadalhin naman ni Liquigan sa NBI ang altered pictures at videos ni Gray, na maaaring gamitin ng ahensya sa imbestigasyon.

Nag-viral ang hubo’t-hubad na mga larawan ni Gray at dalawang videos sa social media noong nakaraang linggo.

Sinabi naman ni Lorenzo na nais nilang malaman ang timeline ng posting na mga naturang larawan at videos.

Ipinaliwanag din ng NBI na nahaharap ang uploader sa kasong paglabag ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

LATEST

LATEST

TRENDING