Palasyo sa ECQ para sa NCR: Titignan natin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ted Aljibe (AFP)

Hindi pa tiyak ang pamahalaan kung ibabalik nito ang Kalakhang Maynila sa pinakamahigpit na lockdown o enhanced community quarantine (ECQ).

Subalit iginiit ng Malacañang na susubaybayan nito ang mga pangyayari sa mga susunod na araw kung dapat bang baguhin ang klasipikasyon ng Metro Manila.

Ang Kamaynilaan, na kumakatawan sa halos kalahati nang nalalapit na 70,000 na mga kaso ng Covid-19 sa bansa, ay sumasailalim sa magaang general community quarantine (GCQ) simula Hunyo.

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapagaan ng quarantine protocols sa Metro Manila upang muling mabuksan ang ekonomiya na naparalisa ng lockdown.

Subalit, patuloy ang pagtaas ng mga Covid-19 cases sa National Capital Region (NCR) kung kaya’t iminungkahi ng ilang mga senador na ibalik ang ECQ sa rehiyon. Hindi naman kumikiling ang pamahalaan sa suhestyong ito.

That’s not being considered for now. Suggestion of UP (University of the Philippines) was MECQ (modified enhanced community quarantine) Hindi pa ito kinokonsidera sa ngayon. MECQ ang mungkahi ng UP),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Naunang sinabi ni Roque na inirekomenda ng mga dalubhasa sa UP na isailalim sa MECQ ang Kalakhang Maynila para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus.

Sumang-ayon naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa planong paghihigpit, subalit nagbago rin ang isip matapos ipagbigay-alam sa kanya ni coronavirus policy chief implementer Carlito Galvez Jr. at ni Interior Secretary Eduardo Año ang plano ng mga alkalde hinggil sa local lockdowns.

We will see what will happen within the next two weeks (Titignan natin kung ano ang mangyayari sa susunod na dalawang linggo),” wika ni Roque.

Sinabi nitong nag-iimplementa ng localized lockdowns, nagtatayo ng isolation facilities, at nagpapalawak ng Covid-19 testing ang mga alkalde ng Metro Manila.

Pinabulaanan din ng tagapagsalita ng pangulo ang mga pamumuna ng kritiko at iginiit na posibleng pumalo na sa 20 milyon ang nahawa ng Covid-19 kung hindi umaksyon ang gobyerno laban sa pandemiya.

You can be assured that we won’t be lax. We know that the number of cases is rising not just because of aggressive testing but also because many are catching the virus. We won’t get tired of urging everyone to observe minimum health standards (Makakaasa kayong hindi kami magkikibit-balikat. Alam naming tumataas ang kaso hindi lamang dahil sa agresibong testing kundi dahil sa maraming nahahawa. Hindi kami mapapagod na hikayatin ang lahat na sumunod sa minimum health standards),” diin ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING