Limitadong face-to-face classes, inaprubahan na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan na ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face sa mga low-risk areas o mga lugar na sumasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Hulyo 21.

We’re thinking up to January 2021 that we can allow. From August to December, we can start assessing the school and start inspecting facilities of school (Iniisip naming hanggang Enero 2021 ang pagpapahintulot. Mula Agosto hanggang Disyembre, puwede nating suriin ang mga paaralan at pasilidad nito),” ani Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa pre-recorded Cabinet meeting kasama ang pangulo.

Iginiit ni Briones na hindi lahat ng low-risk areas ay maaaring magsagawa ng face-to-face classes kung wala itong angkop na pasilidad. 

Aniya, “They have to be inspected (Dapat mainspeksyon ang mga ito)”.

“Okay” naman si Duterte sa mungkahi ni Briones. Ipinaliwanag ng kalihim na hindi lamang dapat makipag-ugnayan ang mga paaaralan sa DepEd, bagkus ay pati na rin sa mga local government units at health officials.

Seseryosohin naman umano ng DepEd ang abiso nina National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año para sa pagsasagawa ng  “joint inspection.”

Binanggit naman ni Briones ang mga benepisyo ng  face-to-face classes:

  • pamilyaridad ng mga guro at estudyante
  • mababang administrative cost
  • kawalan ng “inequality gaps”
  • pakikisalamuha ng mga mag-aaral

Gayunpaman, mayroon din itong mga kakulangan aniya:

  • banta sa kalusugan
  • mahal na gastusin sa pagmintena ng health standards at mga pasilidad

Ang mga remote na isla katulad ng Siquijor, Dinagat Islands, at Siargao ay ilan lamang sa mga lugar na humihiling ng limitadong “face-to-face” setup. Mayroon pa umanong ibang LGUs na nag-request bagama’t hindi ibinunyag ng kalihim ang identidad ng mga ito.

LATEST