Duterte: Mga mahihirap, prayoridad na mabigyan ng libreng face masks

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na ugaliin ang pagsusuot ng face masks para mapigilan ang paglaganap ng Covid-19, sabay nangako na maghahanap ito ng pondo para sa pagbili ng face masks na ipapamimigay nang libre, lalo na sa mahihirap.

Aniya, Kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford (Bibili ako nang marami hangga’t may pambili) kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre but wear it (subalit, isuot niyo ito)”.

Wala pa namang costing para dito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Subalit, kung hindi kakayanin ng badyet, bibigyang prayoridad aniya ang mga mahihirap na Pilipino.

“Ang sabi nga niya kung hindi mabibigyan ang lahat, then yung mga mahihirap, talagang dapat mabigyan,” ani Roque.

Nais ng pangulo na mas higpitan ang implementasyon ng quarantine protocols katulad ng pagsusuot ng face masks at pagpapanatili ng physical distancing.

Dapat din umanong ikulong ang mga lalabag para maturuan ng leksyon.

He said violators should be detained to “give them a lesson for all time.”

Subalit, nagkamali ang pangulo nang sabihin nitong puwedeng gamiting muli ang mga face masks matapos i-disinfect gamit ang alcohol o kahit pa gasolina aniya.

“Maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-sprayan mo lang ng alcohol pagkatapos… (Iyong walang Lysol), ibabad mo ng gasolina o diesel, p****** i** COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan,” wika ni Duterte.

Ang mga payo ng pangulo ay taliwas sa protocols ng World Health Organization (WHO) sapagkat inaanyayahan ng WHO na itapon kaagad ang nagamit na mask sa saradong lalagyan para maiwasan ang kontaminasyon. Para naman sa cloth masks, dapat itong hugasan gamit ang sabon o detergent sa mainit na tubig.

LATEST

LATEST

TRENDING