Duterte, gustong ipaaresto ang mga quarantine violators

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Habang patuloy na nirerespondehan ng pamahalaan ang problema ng Covid-19, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto ang mga lalabag sa quarantine protocols para maturuan umano ang mga ito ng leksyon.

Pinaalalahanan din ng pangulo ang kapulisan na maging strikto sa pagpapatupad ng mga quarantine protocols bilang pagtugon sa pag-akyat ng Covid-19 cases.

Aniya, “We’ll have to ask our police to be more strict (Sabihan natin ang ating mga pulis na mas maging strikto). Hulihin talaga. A little shame or put them on notice forever (Konting pagpapahiya o ilagay sila sa notisya habangbuhay)”.

“Sino ba naman ang gustong mahuli ka? But if you are brought to the police station and detained there, that will give you a lesson for all time (Kung dadalhin ka at ikukulong sa kulungan, matuturuan ka ng leksyon),” dagdag pa ng pangulo.

Umapela rin ang pangulo sa mga lokal na opisyal na paigtingin ang pagpapataw ng parusa para sa mga residenteng susuway sa simpleng health protocols katulad ng pagsusuot ng face masks at pag-obserba ng physical distancing na maaari umanong ituring bilang seryosong krimen.

Samantala, sinabi naman ni Covid-19 chief implementer Carlito Galvez na mas magiging masunurin ang mga tao kung may pulis at sundalo sa komunidad. Gayunpaman, nilinaw ni Galvez na walang mangyayaring pananakot sa mga residente.

Ito ay matapos paulanan ng pambabatikos ang pulis at miltar dahil sa kontrobersyal na house-to-house search para sa Covid-19 patients na tila maihahalintulad umano sa paghahanap ng mga durugista sa ilalim ng Oplan Tokhang.

LATEST

LATEST