Pasahero ng airlines pa-Davao, kailangang magpakita ng negative RT-PCR result

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ginawang mandatoryo na noong Hulyo 20 para sa mga pasahero ng airlines na nagbabalak na lumipad patungo sa Lungsod ng Davao, na kinakailangan nilang kumuha ng Covid-19 swab test at isumite ang negatibong resulta sa loob ng 48 na oras bago ang flight, upang mapayagang sumakay sa eroplano.

Ayon sa airlines, magiging epektibo ang naturang alituntunin simula Hulyo 20, at ito ay alinsunod sa regulasyong itinakda ng mga lokal na awtoridad sa Davao.

“The Coronavirus Antibody Blood (Rapid) Test IS NOT ACCEPTABLE (AY HINDI TATANGGAPIN),” giit ng Cebu Pacific.

Posible ring hingin ang kumpletong address ng mga pasahero bago ang petsa ng pag-alis. Ang mga magbibigay naman ng hindi kumpleto o maling impormasyon ay hindi papayagang sumakay ng eroplano.

We encourage guests to check the email addresses and contact numbers they provided upon booking for updates on their flights. Passengers who booked through travel agencies or any other third party are strongly urged to check with them for information regarding their flights before their travel dates (Hinihikayat namin ang mga pasaherong i-check ang kanilang email addresses at contact numbers na kanilang inilagay para ma-update sa kanilang flights. Ang nga nag-book naman sa travel agencies o anumang third party ay inaanyayahan ding mag-check patungkol sa impormasyon bago ang petsa ng flight),” ani Cebu Pacific. 

Inabishuan din ng airline ang mga kliyente na tignan ang estado ng kanilang flight bago magpunta ng airport.

Do not go to the airport unless you have verified and confirmed your flight schedule (Huwag magpunta sa paliparan hangga’t may verified at confirmed flight schedule).”

Ayon naman kay AirAsia Philippines head of Communications David de Castro “It was the Davao LGU (local government unit) who required this to all Davao-bound passengers. This is applicable for flights starting July 20 (Davao LGU ang nagpasya na gawin itong mandatoryo sa lahat ng mga pasaherong pa-Davao. Mag-uumpisa ito simula Hulyo 20)”.

Kinumprima rin ang balitang ito ni Philippine Airlines spokesperson Cielo Villaluna.

Aniya, “The (test) result should be one that was released 48 hours before the Davao-bound flight (Ang test result ay dapat inilabas 48 oras bago ang flight pa-Davao)”.

LATEST

LATEST