Malacañang: Cha-cha, hindi prayoridad sa ngayon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang hakbang ng pamahalaan para sa charter change ay hindi prayoridad ng administrasyong Duterte sa ngayon, ayon sa Malacañang noong Hulyo 20, kahit na patuloy ang pagkalap ng mga pirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa panukala.

Tinatayang nasa 1,000 na mga alkalde na ang nagpahayag ng pagsuporta sa constitutional reform sa pamamagitan ng resolusyon na isusumite sa Kongreso kapag bumalik na ang sesyon nito sa susunod na linggo, ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Gayunpaman, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang paglaban sa Covid-19 pandemic pa rin ang prayoridad ng administrasyon sa ngayon.

“Linggo-linggo, nakikipag-usap naman po ang Pangulo sa ating taumbayan at hindi po lumulutang ang charter change bilang isang prayoridad,” ani Roque.

Dagdag pa niya, “Ang totoo po, nakatutok po ngayon ang Presidente, ang buong national government sa pamamagitan ng IATF (inter-agency task force), dito po sa problema ng COVID-19. So, hindi po prayoridad ang charter change”.

Pinuna naman ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang timing ng charter changer sapagkat dapat “all hands on deck” aniya ang pamahalaan sa pagresponde sa Covid-19 pandemic sa ngayon.

Ayon naman sa DILG, kabahagi na ang charter change sa agenda ng pangulo.

Noong Disyembre, inaprubahan ng komite sa Kamara ang apat na panukala para baguhin ang Saligang Batas.

LATEST

LATEST

TRENDING