Malacañang: Puwedeng mag-avail ng Covid medical services ng ibang LGUs sa NCR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Sa pagkapuno ng bed capacity sa mga ospital sa Kalakhang Maynila, sinabi ng Malacañang na maaaring i-avail ng publiko ang ibinibigay na serbisyong medikal ng iba pang local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) kung sakaling hindi matugunan ang kanilang pangangailangan ng kinabibilangang lungsod o munisipalidad.

Binanggit ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ibalita noong nakaraang linggo ng ilang pampribadong mga ospital sa Kamaynilaan na puno na ang kapasidad nito at hindi na makatatanggap pa ng mga panibagong Covid-19 patients.

Ayon kay Roque, kahit hindi nakatira ang isang tao sa lokalidad, puwede itong mag-avail ng mga medical services ng LGU sa kanilang alternative medical facilities na itinatag para tugunan ang kakulangan ng mga ospital.

Aniya, “Puwede po, kasama po iyan sa katungkulan ni (Health) Undersecretary (Leopoldo) Vega sa kanyang One Hospital Incident command”.

“Nira-rationalize niya po kung nasaan ang mga bakanteng kama, at siya po ang nagre-referee, kung saan dapat pumunta ang mga mayroong pangangailangan,” dagdag pa ni Roque.

Noong nakaraang linggo, sinabit ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) na puno na ang Covid-19 Intensive Care Unit  beds nito sa Quezon City at Global City. Gayunpaman, puwede pa rin ang admissions at paggamot sa mga non-Covid cases, kabilang ang outpatient procedures.

Inanunsyo naman ng Makati Medical Center (MMC) na puno na rin ang Covid-19 zones nito katulad ng ICU, regular wards, at emergency room.

Naunang sinabi rin ni Vega na narating na ang “danger zone” sa critical care capacity ng ICU beds sa bansa bunsod ng pag-akyat sa Covid-19 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING