J&T Express, sinampahan ng mga kaso; Muntinlupa hub, ipinasara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ilang kaso ang kinakaharap ng cargo delivery business na J&T Express matapos paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kumpanya sa mga awtoridad dahil sa umano’y mishandling nito ng delivery packages, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa.

Sinabi ni Gamboa na nadiskubre ng mga awtoridad ang iba’t-ibang paglabag ng J&T Express, na umani ng kaliwa’t-kanang pambabatikos dahil sa pag-viral ng isang video na nagpapakita sa mga empleyado nitong tinatapon at hinahagis lamang ang mga parcels sa loob ng delivery truck.

Ipinapakita rin sa parehong video ang mga manggagawa sa warehouse na walang suot na pantaas at face masks habang pinagtatapon ang mga parcels sa loob ng truck.

Humingi naman ng paumanhin ang J&T Express at iginiit na pinarusahan na ang mga manggagawang sangkot sa insidente.

Ayon naman kay Gamboa, batay sa imbestigasyong isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), napag-alaman din ng mga awtoridad na nilabag din ng J&T ang ilang labor laws.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Department of Labor and Employment (DOLE), kasama na rin ang mga paglabag sa Reporting of Communicable Diseases.

True enough, we were able to successfully file separate cases in violation of RA (Republic Act) 11332 and that of (RA) 7394 or the Consumer Protection Act (Nakapagsampa na kami ng hiwalay na mga kaso para sa paglabag ng RA 11332 at RA 7394 o ang Consumer Protection Act),” ani Gamboa.

Napag-alaman din na ang J&T hub sa Lungsod ng Muntinlupa ay nagsasagawa ng operasyon nang walang mayor’s permit, kung kaya’t pinatawan na ito ng closure order, dagdag pa ng PNP Chief.

Nag-umpisang mag-operasyon sa bansa ang J&T Express, na nagmula sa Indonesia, noong 2018.

Nagtatrabaho ito para sa malalaking brands katulad ng online shopping app na Shopee.

Naunang binalaan ng pangulo ang kumpanya na ipapasara niya ito kung mapag-aalaman na may ginawa itong paglabag.

LATEST

LATEST

TRENDING