Matapos umpisahang iimplementa ng pamahalaan ang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020, isinumite ng ilang grupo online sa Korte Suprema noong Hulyo 19 ang ikasampung petitsyon para kwestyunin ang konstitusyonalidad ng naturang batas.
Hindi katulad ng naunang mga inihaing petisyon, nais ng mga grupo na ibasura nang buo ang kabuuan ng RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.
Humiling din ng mga ito sa Mataas na Hukuman na pigilan ang gobyerno na tipunin ang Anti-Terrorism Council (ATC), na maaaring mag-aresto ng mga sinususpetsahang terorista kahit walang court order.
Hiniling din ng mga pangkat sa Supreme Court (SC) na huwag ituloy ang pagbabalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa RA 11479.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra noong Hulyo 17, magiging epektibo ang kontrobersyal na batas simula Hulyo 18, 12:00 A.M.
“We’re just about to start drafting the IRR. We have to finish this in 90 days. The IRR will likewise have to be published when it is done (Mag-uumpisa na kaming magsulat ng IRR. Kailangang tapusin ito sa loob ng 90 na raw. Ilalathala rin ito kapag natapos na),” ani Guevarra.
Gayunpaman, sinabi ng kalihim na, “The law will take effect even without the IRR because the promulgation of the IRR is not a condition for the effectivity of the law… as some provisions are self-executing like the organization of the ATC (Epektibo pa rin ang batas kahit wala pang IRR sapagkat hindi nakabatay sa pagkakaroon ng IRR ang pagiging epektibo ng batas… dahil ilang probisyon nito ay self-executing katulad ng pag-organisa ng ATC).”
Samantala, ang petisyon kontra sa Anti-terror law ay inihain ni Renato Reyes Jr., secretary general of Bayan Muna. Kabilang din sa mga petitioners sina Sister Mary Mananzan, dating University of the Philippines (UP) President Francisco Nemenzo, dating UP Diliman Chancellor Michael Tan, Karapatan Secretary General Cristina Palabay, Felipe de Leon, dating Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo, human rights defender Edith Burgos, civil libertarian Renato Constantino Jr., dating Undersecretary Corazon Jimenez-Tan, dating Social Welfare and Development Undersecretary Malou Turalde-Jarabe, playwright Bonifacio Ilagan, Bishop Deogracias Iniguez, dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino, artististang si Mae Paner, journalist Vergel Santos, Prof. Temario Rivera, Francisco Alcuaz, Fr. Freddy Dulay, at beteranang aktibistang si Nanay Mameng Deunida.
Kabilang din ang mga represenatibo mula sa Kilusang Mayo Uno, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Health Alliance for Democracy, Pamalakaya, Anakbayan, League of Filipino Students, Salinlahi, COURAGE, at Piston. Sila ay nirepresentahan ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).
Ang pinangalanan namang respondents sa petisyon ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea, Senate President Vicente Sotto III, at House Speaker Alan Cayetano.
Ayon sa petitioners, bago pa man isabatas ang RA 11479, naging biktima na sila ng “red-tagging” o pagbabansag bilang komunista ng mga awtoridad.
Sa buod ng kanilang petisyon, nilista ang mga umano’y paglabag ng RA 11479 sa Saligang Batas:
1. “The due process clause of the Constitution because of the extremely vague definition of “terrorism (Ang kaparaanan ng batas sa Konstitusyon dahil sa hindi tiyak na depenisyon ng terorismo)” (Section 4 Terrorism).
2. “The free speech clause under the Constitution (Ang kalayaang magpahayag sa ilalim ng Konstitusyon)”(Sections 4 and 9 Inciting to Commit Terrorism).
3. “The constitutional right to due process, right to property, and freedom of association, and for usurping judicial prerogatives (Ang karapatan sa kaparaanan ng batas, karapatan sa ariarian, karapatan sumama sa asosasyon, at pag-agaw sa tungkulin ng hukuman) (Section 25 Designation of Terrorist Individual, Groups of Persons, Organizations, or Associations).
4. “The due process clause and encroaches upon protected freedoms (Kaparaanan ng batas at paglabag sa pinoprotektahang mga kalayaan) (Sections 26 Proscription of Terrorist Organizations, Association, or Group of Persons and 27 Preliminary Order of Proscription).
5. “The constitutional protection against warrantless arrests and detention without charges (Ang proteksyon ng Saligang Batas kontra sa pag-aresto nang walang warrant at pag-detain ng walang kaso) (Section 29 Detention Without Judicial Warrant of Arrest).
6. “The constitutionally protected right to bail and right to travel (Ang karapatang maglakbay at makapagpiyansa) (Section 34 Restriction on the Right to Travel).”