Duterte, isinabatas ang panukalang magpapahintulot na baguhin ang school calendar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: EPA-EFE

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nagpapahintulot sa kanyang iurong o baguhin ang petsa ng pagbubukas ng klase sa tuwing may a state of emergency o kalamidad.

Inamyendahan ng Republic Act 11480 ang Republic Act 7797 o ang “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days,” na nagsasabing ang pagbubukas ng klase ay dapat itakda sa pagitan ng unang Lunes ng Hunyo at huling araw ng Agosto.

Sa bagong batas, maaaring itakda ng pangulo sa ibang petsa ang pagbubukas ng klase tuwing may state of emergency o kalamidad sa buong bansa o piling mga lugar, alinsunod sa rekomendasyon ng kalihim ng Department of Education (DepEd).

Pinapahintulutan din ng bagong batas ang pagdaraos ng klase sa Sabado sa parehong pampubliko at pambripadong paaralan at nagbibigay kapangyarihan din sa kalihim ng DepEd na idetermina ang pagtatapos ng school year habang kinokonsidera ang Christmas, summer breaks, at ang “peculiar circumstances” ng bawat rehiyon.

Nilagdaan ng pangulo ang bagong batas noong Hulyo 17. Magiging epektibo ito agad matapos ilathala sa Official Gazette o sa pahayagang may malawak na sirkulasyon.

Nauna namang inanunsyo ng DepEd na magbubukas ang klase sa Agosto 24 sa pamamagitan ng blended learning bagama’t nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING