DOH, inirekomenda ang flu at pneumonia vaccines kontra kumplikasyon ng Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng flu at pneumonia vaccines para tugunan ang mga karagdagang kumplikasyon buhat ng Covid-19, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, “Agree po kami diyan. Actually we have that kind of program for children and for the elderly (May ganyang programa kami para sa mga bata at matatanda)”.

It can help you kasi (Makatutulong ito sa’yo) para hindi nagkakaroon ng additional complication ‘yung mga mayroong may COVID-19. ‘Yung mga nagpapa-flu vaccine or pneumonia vaccine, we do not advise against it. We even recommend it because we have that program as well (Inirerekomenda namin ito dahil may ganitong programa rin kami),” dagdag pa ni Vergeire.

Ang ilang pasyente ng Covid-19 ay nagkaroon ng pneumonia o iba pang sintomas ng flu.

Ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ilan sa mga sintomas ng influenza o flu ay lagnat, ubo, sore throat, runny o stuffy nose, muscle o body aches, panankit ng ulo, at fatigue—na maihahalintulad sa mga sintomas ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING