Napagpasyahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla na i-republish noong Hulyo 18 ang kanyang Facebook post noong nakaraang buwan tungkol sa “trash talking” at kung sapat ba itong dahilan para sampahan ng kaso ang sinumang magbibitiw ng mga maaanghang na salita sa social media.
“Is trash talking enough to threaten and subject netizens to an inquest? Social media is full of this. How can one discern words with ill-intent from that of a joke (Sapat ba ang trash talking para isailalim sa inquest ang mga netizens? Puno ang social media nito. Paano natin madedetermina ang malisyosong intensyon sa biro)?” ani Remulla.
Hindi naman nagbanggit ang gobernador ng partikular na insidente.
Dagdag pa niya, “I am man enough not to be overly sensitive nor be easily offended. I would rather focus on bigger problems such as effectively managing the COVID crisis, supporting education, Caviteños who have lost their jobs, transportation and unite the people by working on effective solutions towards recovery (Hindi ako madaling masaktan. Mas nanaisin kong magpokus sa mga malalaking problema katulad ng pagtugon sa Covid krisis, pagsuporta sa edukasyon, mga Caviteñong nawalan ng hanapbuhay, transportasyon, at pagbuklurin ang mga tao para sa isang epektibong lunas tungo sa pagbangon)”.
Giit ni Remulla, “Dissent and varying opinions are the very fabric of our political culture (Kabahagi ang kritisismo at nag-iiba ibang opinyon sa ating kulturang pulitikal)”.
“We are a better nation because we are able to freely express ourselves, responsibly (Mas maayos ang ating bansa sapagkat malaya nating naipapahayag ang ating mga saloobin nang responsable),” pagbibigay diin ng gobernador.
Ayon kay Remulla, sa panahon ngayon, dapat pakinggan ng mga lider at unawain ang mga hinanaing ng kanilang mga pinaglilingkuran sa halip na gumamit ng kamay na bakal para pasunurin ang mga ito.