Dagdag-sahod para sa gov’t nurses, aprubado na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Tataasan na ang pasahod sa mga pampublikong nurses, ayon kay Senador Panfilo Lacson noong Hulyo 19 matapos ilabas ang merorandum circular para sa wage increase.

Ayon sa senador, P3 bilyong ang inilaan sa 2020 budget para sa salary upgrade, batay umano sa isang memorandum circular na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).

Inilabas ng ahensya ang naturang memo noong Hulyo 17 para taassan ang entry level salaries ng government nurses sa salary grade 15, o P32,053 hanggang P34,801 bawat buwan, mula sa naunang salary grade 11, o P22,316 hanggang P24,391.

Dahil may pondo nang nakalaan sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng national budget, hindi na kailangan ng government nurses na maghintay pa ng batas o ng availability ng pondong ibibigay ng DBM, ayon kay Lacson.

Still, this pay increase – which was sought even before the COVID pandemic hit – will be of help to them in one way or another (Makatutulong ang dagdag-sahod na ito, na ipinapanukala na kahit bago pa man manalasa ang pandemiya, sa kanila” ani Lacson.

Dagdag pa niya, “As all of us are now dealing with the ‘new normal’ due to the pandemic, the pay increase should hopefully make a difference for them (Sana makatulong ang dagdag-sahod sa kanila habang tayo ay humaharap sa ‘new normal’ bunsod ng pandemiya)”.

Ilang nurses sa Lungsod ng Cebu, ang sentro ng pandemiya, ang nag-isip nang mag-resign, habang may grupo naman ng nurses sa Manila ang nagreklamo dahil sa mabigat na trabaho.

Ayon sa datos noong Hulyo 10, nasa 3,643 health workers na ang nagpositibo sa Covid-19, kung saan 2,750 ang gumaling at 34 ang nasawi. Sa bilang na ito, 1,293 ang mga nurses.

LATEST

LATEST

TRENDING