Isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang apat na kalye sa isang barangay sa Lungsod ng Pasig dahil sa pag-akyat ng mga kaso ng Covid-19.
Ang mga kalye ng Pipino, Labanos, Okra at Ubas sa Napico, Barangay Manggahan ay isinailalim sa lockdown. Wala namang inanunsyong petsa kung kailan ito tatanggalin.
“Strict implementation will begin Sunday evening (Mag-uumpisa ang striktong implementasyon sa Linggo ng gabi),” ayon sa LGU.
Dagdag pa, “Residents will only be allowed to leave their houses for work and emergency reasons (Ang mga residente ay maaari lamang lumabas kung ito ay tungkol sa trabaho o emergency)”.
Ayon naman kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ipapamahagi ang food packs sa mga apektadong residente para mabawasan ang banta sa kalusugan.
Batay sa datos noong Hulyo 18, nasa 1,212 ang Covid-19 cases sa Lungsod ng Pasig. Sa bilang na ito, 109 ay mula sa Manggahan na may 53 active cases.
Nakapagtala naman ang lungsod ng 661 recoveries at 94 deaths.