Roque: Hindi edited ang mga talumpati ng pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Patuloy na pinananatili ng Malacañang ang posisyong “neutral” si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng ABS-CBN franchise, bagama’t hindi ito pinaniniwalaan ng ilan dahil sa kanyang naging maaanghang na birada laban sa network.

Nang simulan din ng House committee on legislative franchises ang mga pagdinig nito sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa, hindi na inere nang live ang mga talumpati ng pangulo, bagkus ito ay naging pre-recorded.

Gayunpaman, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi edited ang mga talumpati ni Duterte. Subalit, mapapansin ng sinumang nakikinig kay Duterte na binibigyan ang pangulo ng mga mahahalagang impormasyon ng kanyang mga tao tungkol sa mga isyung napapanahon.

Noong Hulyo 14, inere ng mga pampublikong istasyon ang talumpati ni Duterte sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu. Dito, binanatan ng pangulo ang mga “oligarko” at ipinagmalaki ang pagbuwag sa mga ito nang hindi nagdedeklara ng batas militar.

Subalit, iniulat ng dalawang news organizationsna batay sa audio leaks, tinanggal ang mga birada ni Duterte kontra ABS-CBN sa inereng talumpati, na nag-iwan ng agam-agam sa mga tao patungkol sa konteksto ng komento niya ukol sa mga oligarko.

Ayon sa mga ulat, sinabi ng pangulo bago ang komento ukol sa mga oligarko at batas militar ang: “’Yun namang ABS-CBN binaboy ako. Pero sinabi ko kapag ako nanalo, bubuwagin ko ang oligarchy ng Pilipinas. Ginawa ko.”

Kahit ganito, pinanatili ni Roque na hindi ABS-CBN ang tinutukoy ng pangulo nang binirahan nito ang mga oligarko.

Tinanggihan naman ng Malacañang ang paglalabas sa buong video o transcript ng talumpati ni Duterte sa Jolo.  Tinawanan naman ni Roque ang bagong titulo na iginawad sa kanya  ng mga kritiko na “Master of Spin.”

“I don’t know why. Because I will not comment on an alleged transcript that I do not have any personal knowledge of? I waived the option of going with the President to Jolo on that day with my duties as a spokesperson to conduct my regular press briefings, and I could not do both (Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako magkokomento ukol sa transcript na wala akong alam? Hindi ako sumama sa pangulo sa Jolo sapagkat kailangan kong gawin ang aking regular na press briefings. Hindi ko kayang gawin briefing),” pagbibigay diin ni Roque.

Dumistansya si Roque sa hakbang ng Malacañang na hindi pag-ere nang live sa talumpati ni Duterte o paglabas ng buong video dahil wala umano siyang kaalam-alam sa pagbisita ng pangulo sa Jolo dahil hindi siya kabahagi ng entourage ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING