Rep. Villafuerte: Ibenta na lang ang ABS-CBN

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte

Hinikayat ng isang mambabatas ang mga may-ari ng ABS-CBN Corp. noong Hulyo 17 na ibenta na lang ang network, kaparehong mungkahi na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 2019.

Kung ang 70 na mambabatas na tumanggi sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN ay muling ihahalal sa 2022 at mag-apply muli ang network sa ilalim ng parehong mga opisyal, “bakara maranasan muli ang pagtanggi sa mga ito,” ani House Deputy Speaker Luis Raymund “LRay” Villafuerte.

Dagdag pa nito, “My suggestion to the Lopez family, they just sell the corporation and if they really love the 11,000 employees or more, and they really want to serve the Filipino people (Ang suhestyon ko sa pamilya Lopez, ibent na lamang ang korporasyon, at kung mahal nila ang mahigit 11,000 na mga empleyado nito, at nais nilang paglingkuran ang mga Pilipino), ibenta na lang nila iyong kumpanya,” said Villafuerte who voted no against the network’s license. 

“I will support the renewal under new management and ownership (Susuportahan ko ang renewal sa ilalim ng bagong may-ari at pamunuan),” giit ni Vilafuerte.

Ayon kay Villafuerte, posibleng patakbuhin ng mga malalaking kumpanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tao, pondo, at technical expertise ang network.

Hindi naman nito binanggit kung aling mga kumpanya ang nagnanais na umangkin sa ABS-CBN.

Noong Disyembre 2019, sinabi ng pangulo na, “Mag-renew kayo [ng franchise], ewan ko lang kung may mangyari diyan. Kung ako sa inyo ipagbili niyo na ‘yan.” 

“Yun namang ABS-CBN binaboy ako. Pero sinabi ko kapag ako nanalo, bubuwagin ko ang oligarchy ng Pilipinas,” wika naman ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu kamakailan.

Gayunpaman, iginiit ni Villafuerte na hindi nanghimasok ang pangulo at ang kanyang mga tauhan sa pagdinig ukol sa ABS-CBN franchise renewal.

“Neutral” umano si Duterte hanggang sa dulo ng isinagawang pagdinig ng Kamara.

LATEST

LATEST

TRENDING