Mga banyaga, puwede nang pumasok sa bansa simula Agosto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Papahintulutan nang pumasok ang mga banyaga sa bansa na may long-term visas simula Agosto, ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, ginawa ng IAFT ang mga panuntunan tungkol dito noong Hulyo 16. Kabilang sa mga kondisyon para sa inbound travel ay ang pagkuha ng pre-arranged Covid-19 test at pag-book ng accredited quarantine facility na matitirhan.

Nauna namang pinayagan ng pamahalaan ngayong buwan ang paglabas ng mga Pilipino ng bansa para sa non-essential travel.

LATEST

LATEST