Maynila, magbubukas ng ikalawang libreng drive-thru Covid-19 testing center

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
Larawan mula sa: Twitter (@IskoMoreno)

May planong magtayo ng ikalawang libreng drive-thru testing site ang Lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.

“Lanes will be designated for four-wheel vehicles, tricycles, pedicabs as well as motorized and non-motorized vehicles (Maglalaan ng lanes para sa for four-wheel na sasakyan, mga traysikel, mga pedicab, pati na rin ang mga motorized at non-motorized na mga sasakyan),” ani Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isang pahayag noong Hulyo 17.

Maaaring kumuha ng test ang mga residente at hindi residente sa pamamagitan lamang ng pagpresenta ng valid I.D.

Ang mga test results ay ipadadala naman sa pamamagitan ng text messages.

Ayon kay Yorme, magkakaroon ng “soft launch” ang pasilidad sa Sabado, Hulyo 18, mula 11 A.M. hanggang 5 P.M., bago ito pormal na magbukas sa Lunes, Hulyo 20.

Naunang itinayo ng Maynila ng kauna-unahan nitong libreng drive thru testing center malapit sa Andres Bonifacio Monument at Manila City Hall noong Hulyo 15. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8 A.M. hanggang 5 P.M.

Ayon kay Domagoso, matutugunan ng dalawang pasilidad ang 900 katao sa bawat araw.

Naghahanap din umano ang alkalde ng karagdagang pondo para palawigin ang testing capacity ng Maynila.

LATEST

LATEST

TRENDING