DILG: Pangunguna ng pulis at militar sa paghahanap ng Covid-19 patients, “fake news”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DILG Secretary Eduardo Año

Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año noong Hulyo 17 na ang nababalitang pangungunahan umano ng pulis at militar ang paghahagilap ng Covid-19 patients na naka-home quarantine ay “fake news”.

Ayon kay Año, ang mga naturang ulat ay bahagi ng kampanya para sa pagpapalaganap ng disinformation mula sa ilang indibidwal.

Iginiit ng kalihim na tutulong lamang aniya ang mga awtoridad sa paglilipat ng mga pasyente.

Again, I repeat, the police are there merely in a supporting role (Muli, inuulit ko, magbibigay suporta lamang ang mga pulis),” ani Año.

Nilinaw na ng Malacañang na ang mga pasyente na asymptomatic o may mga katamtamang sintomas na naka-home quarantine ay ililipat ng mga health workers at hindi ng mga awtoridad.

Inatasan din ng DILG ang Bureau of Fire Protection (BFP) na mag-assist sa mga health workers sa paglilipat ng mga Covid-19 patients patungo sa mga isolation facilities dahil may sapat aniyang health personnel at equipment ang ahensya.

Inasatan din ni Año ang BFP na paigtinging ang mga hakbang nito sa contact tracing.

LATEST

LATEST

TRENDING