Roque: Duque, hindi pinagalitan nang sinabing na-flatten na ang Covid-19 curve ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Secretary Francisco Duque III

Noong Hulyo 15, unang binawi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang kanyang pahayag na na-flatten na Covid-19 curve at sa halip ay sinabing “lumiko” lamang ito o naging “bent”.

Gayunpaman, sinabi ng Malacañang noong Hulyo 16 ng hindi pinagalitan ang kalihim dahil napagtanto nito ang kanyang pagkakamali. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na tumawag sa kanya si Duque para aminin ang pagkakamali nito.

Aniya, “Wala pong pagsabon na nangyari at ako naman nang matapos mangyari ‘yan tumawag kaagad sa ’kin si Secretary Duque at sinabi nga niya na parang mali yung salitang nagamit niya. Sabi ko korekin lang natin”. 

Iginiit ni Roque na nangyayari talaga ang mga pagkakamali.

“Sino ba naman sa media ang nagsasabing di sila nagkakamali? So kinorek lang.” ani Roque. 

Sa serye ng tweets matapos banggitin ang kontrobersyal na pahayag. nilinaw ng DOH Secretary na nalagpasan ng case doubling time sa bansa noong Abril ang three-day doubling time mark.

Noong Hulyo 15, sinabi nitong naging walang araw na ang doubling time, na lagpas sa seven-day doubling mark.

This means we bent the curve in April after the March ECQ (enhanced community quarantine) but we are seeing an increase in cases due to the expanded testing capacity and community transmission as we allow (the) movement of people (Naging ‘bent’ ang cruve noong Abril matapos ang March ECQ subalit nakikita natin ang pag-akyat ng mga kaso dahil sa pinalawak na testing capacity at community transmission dahil sa pagpapahintulot sa paggalaw ng tao),” wika ni Duque.

Binatikos naman ng netizens ang mga nakakalitong pahayag ng kalihim at ipinanawagan ang pagbibitiw nito sa puwesto.

Hindi ito ang unang beses na nagdulot si Duque ng kalituhan sa publiko sa kanyang mga pahayag.

Noong Mayo, sinabi ni Duque na nasa second wave na ng Covid-19 pandemic ang bansa subalit, pinabulaanan ito ng ilang eksperto at ilang miyembro ng Gabinete.

Binawi rin ni Duque ang kanyang sinabi at iginiit na nasa unang bugso pa rin ng outbreak ang bansa.

Noong nakaraang buwan, naging matunog din ang panawagan na magbitiw si Duque sa puwesto matapos sisihin niya ang kanyang staff sa harap ng national television hinggil sa pagkaantala sa pamamahagi ng ayudang pinansyal para sa frontliners na naging biktima ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING