Duterte, hindi pa inaaprubahan ang limitadong face-to-face classes sa MGCQ areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Simeon Celi Jr. (Presidential Photo)

Hindi pa inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagdaraos ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) na may mababang tsansa ng Covid-19 transmission, ayon sa Malacañang noong Hulyo 16.

Inatasan ang parehong Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na magsumite ng kanilang mga mungkahi sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “Mayroon pong proposal na limited face-to-face, hindi pa po yan mapapatupad hanggang hindi pa po naaprubahan ng ating Presidente,” Roque said in a Palace press briefing.

“Ang sabi po ni Presidente, i-submit mo sa amin ang written proposals at nang ma-discuss nang mas mabuti yan,” dagdag pa ni Roque.

Tinalakay nina CHED Chair Prospero De Vera III at DepEd Secretary Leonor Briones ang panukala kay Pangulong Duterte sa isang pagpupulong noong Hulyo 15.

Ayon kay Briones, nakatanggap umano ng ilang proposals ang DepEd para ipanawagan ang pagbabalik ng face-to-face classes sa piling lugar.

“Sa tingin namin sa mga tinatawag nating low-risk areas pwede siguro payagan natin ‘yung limited na face-to-face pero may mga kondisyones,” ani Briones.

Naunang sinabi ng pangulo na hindi niya papahintulutan ang face-to-face classes hangga’t magkaroon na ng bakuna kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING