DepEd, iminungkahi ang limitadong physical classes sa MGCQ areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones noong Hulyo 15, puwedeng gawin ang physical classes nang hanggang sa 10 katao sa isang silid, kung walang access ang estudyante sa blended learning.

The students can access learning materials online, on radio, or on television. If they don’t have all of the above, we have what we called IBM or It’s Better Manual (Puwedeng ma-access ng mga estudyante ang learning materials online, sa radyo, o sa telebisyon. Kung wala sila kahit isa nito, mayroon tayong tinatawag na IBM o It’s Better Manual),” ani Briones sa lingguhang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Gagamit ng kompyuter/tablets, radyo, at telebisyon para turuan ang mga mag-aaral sa inaprubahang sistema ng blended learning para sa Academic Year 2020-21 habang nasa kalagitnaan ng pandemiya.

Iminungkahi rin ni Briones ang paglalaan ng mas maraming suplay ng tubig sa mga paaralan para madalas na makapaghugas ng kamay ang mga estudyante.

Sinuportahan naman ng chairman ng Commission on Higher Education (CHED) na si Prospero De Vera ang mungkahi ni Briones para sa limitadong face-to-face classes, at sinabing dapat ipokus ng unang semestre ng higher education classes sa theory-based subjects, habang ang ikalawang semestre naman ay dapat ilaan sa laboratory courses o iyong may mga fieldwork.

Binanggit din ni De Vera bilang halimbawa ang Thailand kung saan gumamit ito ng mga plastic dividers sa bawat silid-aralan upang mapanatili ang physical distancing ng mga estudyanteng papasok sa paaralan.

 “It is possible that we can do it here in the Philippines (Posible nating magawa ito sa Pilipinas), wika ni De Vera said.

Dagdag pa niya, “Maybe (the distance) should be more than one meter apart if needed depending on the school’s design (Siguro dapat mahigit isang metro ang distansya sa pagitan ng bawat isa depende sa disenyo ng eskwelahan).”

Sumang-ayon naman si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa pagdaraos ng limitadong physical classes sa MGCQ areas dahil sa mabagal na case doubling rate, mababang bilang ng fresh at active Covid-19 cases, at maayos na health systems capacity sa lugar.

Iginiit ni Duque na ang mungkahi ni Briones ay alinsunod sa itinakdang physical distancing protocols ng pamahalaan.

Iminungkahi rin ni Duque ang pagkakaroon ng isang entrance at exit sa mga paaralan at dapat itakda lamang sa 26 degrees ang temperatura ng mga air-conditioning unit.

Pinaalalahanan namin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang DepEd na obserbahan ang konpirgurasyon at tamang implementasyon ng health standards sa mga paaralan bago isakatuparan ang limitadong physical classes.

Nakatakda namang magbukas ang klase sa Agosto 24.

LATEST