Roque, idiniin ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pananatilihin ng bansa ang pakikipagkaibigan sa China bagama’t muli nitong tinanggihan ang pagkilala sa kapasyahan ng arbitral tribunal na naghatol pabor sa Pilipinas sa isinampa nitong kaso sa China noong 2016.

Binanggit ni Roque na mayroon pa ring hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas pagdating sa 2016 ruling ng international tribunal sa The Hague.

Kinilala ng tribunal, na ginawa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, ang soberanyang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nitong inaangkin ng China. Napagpasyahan din ng arbitral body na walang basehan ang tinaguriang historic rights at nine-dash-line na idinidiin ng China.

“We will agree to disagree on the arbitral award and we will proceed with our friendly relations (Magkasundo tayo sa pananatilihin natin ang pakikipagkaibigan)‘yong mga bagay bagay na pwedeng isulong, isusulong. ‘Yong mga hindi pwedeng iresolba ngayon, isasantabi, ani Roque.

Ayon kay Roque, hindi nakabatay ang relasyon ng Pilipinas at China sa naturang kapasyahan.

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na dapat idiin ng pamahalaan ang soberanyang awtoridad patungkol sa mga pinag-aaagawang teritoryo.

Giit ni Roque, “We should never give up the fight for what is legally ours. We should never cower in fear from the harassment and political intimidation that foreign governments impose on us (Hindi tayo dapat sumuko sa labang atin naman. Hindi tayo dapat matakot sa harassment at intimidasyong pulitikal sa mga banyaga)”.

Binanggit din ni Pangulong Rodrigo Duterte na neutral ito sa namumuong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Aniya, “Kinakailangan itaguyod natin at isulong ang pang nasyonal na interes ng Pilipinas. That’s where we stand”. 

LATEST

LATEST

TRENDING