#DuqueResign, muling umalingawngaw sa social media

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mong Pintolo (The Philippine STAR)

Muling nagtrending ang pangalan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa top trending list ng Twitter noong Hulyo 15 kung saan muling nanawagan ang mga Pilipino na magbitiw ito sa puwesto bilang pinuno ng ahensya.

Ito ay matapos sabihin ng kalihim na naging “bent” ang Covid-19 curve ng Pilipinas, ilang oras matapos maunang sabihin na na-flatten na ng bansa ang curve noong Abril.

Inamin ni Duque na mali ang nauna niyang pahayag.

Aniya, “Hindi naman talaga flatten. ‘Yun ang ibig sabihin kong ilinaw. Lumiko, hindi po flatten. Nagkamali ako doon at yun ang gusto kong linawin”.

“Ibig sabihin ko, flattening of the curve, lumiko. Pero kung meron man ika nga yung pagbawas ng kaso, nakita natin yun na parang dumiretso, parang dumapa bahagya na. Ito ho yung ibig sabihin natin na dahil nga sa lockdown natin, medyo napadapa natin yung curve,” dagdag pa ni Duque.

“Kung kailangan niyo po i-clarify yung mga statements na binibitawan niyo, ibig sabihin hindi concrete yung mga pinagsasabi niyo, therefore p**angina niyo diyan kasi wala kayong kwenta wala nang naniniwala sa inyo. #DuqueResign,” galit na tugon ng isang online user.

Wika naman ng isang netizen, “Na-**lol na yata si Duque. Di marunong magbasa ng graph jusko. Kahit bata alam na hindi flat yung curve sa graph. Mag resign ka na lang kapit tuko ka pa sa posisyon mo di mo nagagampanan ng maayos. #DuqueResign”. 

Hindi ito ang unang beses na nagdulot si Duque ng kalituhan sa publiko sa kanyang mga pahayag.

Noong Mayo, sinabi ni Duque na nasa second wave na ng Covid-19 pandemic ang bansa subalit, pinabulaanan ito ng ilang eksperto at ilang miyembro ng Gabinete.

Binawi rin ni Duque ang kanyang sinabi at iginiit na nasa unang bugso pa rin ng outbreak ang bansa.

Noong nakaraang buwan, naging matunog din ang panawagan na magbitiw si Duque sa puwesto matapos sisihin niya ang kanyang staff sa harap ng national television hinggil sa pagkaantala sa pamamahagi ng ayudang pinansyal para sa frontliners na naging biktima ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING