Duque sa Covid-19 curve: “Lumiko, hindi po flatten”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Secretary Francisco Duque III

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na naging “bent” ang Covid-19 curve ng Pilipinas, ilang oras matapos maunang sabihin na na-flatten na ng bansa ang curve noong Abril.

Inamin ni Duque na mali ang nauna niyang pahayag.

Aniya, “Hindi naman talaga flatten. ‘Yun ang ibig sabihin kong ilinaw. Lumiko, hindi po flatten. Nagkamali ako doon at yun ang gusto kong linawin”.

“Ibig sabihin ko, flattening of the curve, lumiko. Pero kung meron man ika nga yung pagbawas ng kaso, nakita natin yun na parang dumiretso, parang dumapa bahagya na. Ito ho yung ibig sabihin natin na dahil nga sa lockdown natin, medyo napadapa natin yung curve,” dagdag pa ni Duque.

Sa isang ginanap na forum, unang sinabi ni Duque na matagampay na na-flatten ang pandemic curve dahil umano sa mas matagal na Covid-19 case doubling rate at mortality doubling time.

Kinilala rin ng health chief ang pagtaas ng mga Covid-19 cases simula Hunyo, ang parehong buwan ng pagpapagaan sa quarantine protocols.

Samantala, iniulat naman ng ilang mga ospital na naabot na nito ang full occupancy ng kani-kanilang mga coronavirus wards.

Batay sa datos noong Hulyo 15, umabot na sa 58,850 ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa bansa. Sa ibilang na ito, 36,260 ang active cases, 1,614 ang nasawi, at 20,976 ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING