DSWD: Halos 10M na Pinoy, posibleng mawalan ng trabaho dahil sa pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DSWD Secretary Rolando Bautista

Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na milyun-milyong mga Pilipino ang mawawalan ng hanapabuhay dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 million Filipinos losing their jobs, the repatriation of nearly 70,000 displaced overseas Filipino workers, and the increasing number of Filipinos involuntary hunger among others (Ang nararanasang krisis ay nagdulot ng malubhang epekto sa ekonomiya na maaaring ikawala ng trabaho ng halos 10 milyong Pilipino, repatriation ng halos 70,000 OFWs, at pag-akyat ng kagutuman),” ani DSWD Secretary Rolando Bautista sa ikalawang pre-SONA forum noong Hulyo 15.

Bagama’t nahaharap sa pagsubok, iginiit ng DSWD na ang mga ahensya sa ilalim ng Human Development and Poverty Reduction Council ay nagtatrabaho para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng krisis.

Ang mga ahensyang kabilang sa council ay ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at ang Department of the Interior and Local Government.

Ayon kay Bautista, ang mga pangunahing estratehiya ng council ay edukasyon, kalusugan, social protection, at paglalaan ng oportunidad para sa mga Pilipino.

Ilan sa mga programang ito na tutugon sa epekto ng pandemiya ayon kay Bautista ay pagpapalawak ng education programs, feeding programs, cash aid at subsidies, pati na rin ang skills training.

Samantala, ibinahagi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ilang mga proyekto at programa nito para solusyunan ang kahirapang nararanasan ng mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs).

Ilan sa mga programang ito ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III ay ang Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay program kung saan bibigyan ng ayudang P20,000 ang mga OFWs sa kanilang pag-uwi para makapag-umpisa ng livelihood program na kanilang pipiliin.

Karamihan umano ng mga OFWs ay nagpapasyahang magtayo ng carinderia o welding shop mula sa natanggap na cash assistance.

Ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay inaasahan ding magbibigay ng maraming trabaho, ayon sa kalihim.

This will revive the construction industry and we hope to generate not less than 400,000 working opportunites (Bubuhayin nito ang construction industry, at inaasahan natin ang paglikha ng 400,000 na mga trabaho),” ani Bello.

Isa pang programa ng DOLE ay ang Integrated Livelihood Program, kung saan nagbibigay ng livelihood projects sa mga OFWs at iba pang manggagawa, pati na rin ang loans sa mababang interes para matulungan silang makapagpundar ng negosyo.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemiya.

LATEST

LATEST

TRENDING