Drilon kay Duterte: Ipagbawal ang political dynasties kung gustong wakasan ang oligarkiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Dapat umanong ipagbawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga political dynasties kung seryoso ito sa pagbuwag ng oligarkiya sa bansa, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon noong Hulyo 15.

Ang oligarkiya aniya ay madaling mamayani sa Pilipinas dahil sa “kawalan ng anti-dynasty provision” at iba pang mga palisiya sa anti-competition, wika ni Drilon.

Aniya, “I am willing to sit down with [the] Duterte administration to examine laws we have and find out which laws should be amended that makes oligarchy possible (Gusto kong umupo kasama ang administrasyong Duterte para busisiin ang mga batas para amyendahan ang mga nagpapahintulot sa oligarkiya)”.

“One of those is the lack of the anti-dynasty law… They have made our national and local offices extensions of their household (Isa sa mga ito ang kawalan ng anti-dynastu law… Ginawa nilang ekstensyon ng kanilang mga tahanan ang kani-kanilang mga tanggapan),” dagdag pa ni Drilon.

Naunang binanggit ni Duterte sa harap ng mga sundalo na mamamatay siyang masaya matapos nitong mabuwag aniya ang oligarkitang inabuso ang sistema.

Sa isang unedited version ng kanyang talumpati, pinupuntirya ng  pangulo ang pamilya Lopez na nagmamay-ari ng ABS-CBN.

Subalit, pinaalalahanan ni Drilon si Duterte na hindi lamang dapat nakabatay sa kayamanan ang pagtukoy sa isang oligarch.

Nakapagtatag si pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang sariling dinastiya sa Lungsod ng Davao kabilang ang kanyang anak na si Paolo na siyang representatibo ng unang distrito sa Davao City, ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, at ang Bise-Mayor ng Davao City na si Sebastian Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING