DPWH Secretary Mark Villar, nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DPWH Secretary Mark Villar

Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar noong Hulyo 15 na nagpositibo ito sa Covid-19.

Ibinunyag ni Villar ang balita sa kanyang social media page, isang araw matapos itong italaga bilang isolation czar na inatasang pangungunahan ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga quarantine facilities sa buong bansa habang patuloy na tumataas ang Covid-19 cases.

Noong Marso, sumailalim sa self-isolation ang kalihim matapos ma-expose sa isang Covid-19 patient na kinalauna’y nagnegatibo naman sa nakamamatay na sakit.

LATEST

LATEST